Advertisers
Umakyat na sa siyam ang nasawi sa hindi inaasahang pagbaha sa Cagayan dahil sa bagyong Ulysses, batay sa kanilang gobernador.
Batay kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, umapaw ang Cagayan river at umabot sa ilang kalapit bayan.
“Wala ho kaming typhoon signal pero ‘yung rainfall po dya’an sa Quirino, Vizcaya, ganun din po sa Ifugao, ganun din po sa Kalinga, at Isabela ay dito po lahat pumunta sa amin,” ayon kay Mamba.
“Kaya late po ito, pero unprecedented po… First time po namin maexperience ‘tong ganitong klase na pagbaha. Ang nabaha po sa amin are towns along Cagayan River po.”
Sa datos, 24 bayan aniya ang binaha at mistulang naging “Pacific Ocean.” (PFT team)