Advertisers

Advertisers

Cagayan mistulang ‘Pacific Ocean’

0 263

Advertisers

Mistulang Pacific Ocean ang Cagayan province makaraang malubog sa tubig baha na dulot ng Amihan at bagyong Ulysses, batay sa isang disaster management official.
“Ang Cagayan ngayon ay parang Pacific Ocean. Lahat ng mga munisipyo na tabi ng Cagayan River, ay baha ngayon. Grabe ang baha ngayon sa Cagayan, na-surpass niya ‘yung previous na baha nung 2019,” ani Col. Ascio Macalan ng Cagayan Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ang Cagayan river sa Buntun Bridge sa Tuguegarao Cityay pumalo ng hanggang 13 metro.
Malala aniya ito dahil tinatayang 13,000 pamilya o 47,000 residente sa Cagayan ang lubhang naapektuhan ng naganap na pagbaha.
“Ang sitwasyon namin dito ngayon ay kakaiba sa nangyari sa nakaraan ng taon.” (PFT team)