Advertisers

Advertisers

Covid update: 194 gumaling; 39 nasawi; 1,650 bagong kaso

0 207

Advertisers

UMAKYAT na sa 406,337 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,650 na bagong kaso ng COVID-19.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 122 new cases, Davao City na may 113 new cases, Quezon City na may 84 new cases, Bulacan na may 81 new cases, at Maynila na may 78 new cases.
May naitala namang 194 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
Dahil rito, umabot na sa 363,068 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
May 39 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,791 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)