Advertisers

Advertisers

DILG sa lalawigan ng Cagayan: Ipagpaliban ang mahigpit na health protocol sa mga relief at rescue personnel

0 237

Advertisers

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na ipagpaliban ang mahigpit na COVID-19 health protocols upang madaling makapasok ang mga relief, search at rescue teams at mga media outlets sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año na nakatanggap sila ng maraming ulat na ang mga relief at media organizations ay hinaharang sa provincial border dahil sa mahigpit na quarantine restrictions na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan.
“Ang kalagayan ng Cagayan ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na disater and recovery operations ng mga rescue at relief organizations. Kaya dapat payagan silang makapasok upang magawa ang kanilang disaster operations,” ani Año
“Hindi dapat maging hadlang ang mga COVID-19 requirements sa pagpasok, pagdaan o mga operasyon ng mga humanitarian assistance at response personnel ng pamahalaan o pribadong sektor,” dagdag niya.
Inatasan ni Año ang Regional IATF at lahat ng mga LGU na gamitin ang maingat na pagpapasiya sa pagpapaliban ng mga restrictions. Nguni’t hinimok niya ang mga disaster personnel at media workers na sundin ang minimum health standards at gumamit ng face masks at face shields habang ginagawa ang kanilang tungkulin.
“Ang mga alkalde ang nakakaalam ng kalagayan ng kanilang nasasakupan, kaya sila na ang magpasya sa pagpapaliban ng mga restrictions, basta laging ipatupad ang minimum health standards sa pagsasagawa ng relief operations,” pagtatapos niya. (Boy Celario)