Advertisers

Advertisers

DOH nagbabala sa paggamit ng generator sa bahay

0 211

Advertisers

“WAG gumamit ng generator at iba pang makinarya na maaaring magbuga ng carbon monoxide sa loob ng bahay.”
Ito ang matinding babala ng Department of Health (DOH) sa publiko kahapon.
Ayon sa DOH ang carbon monoxide ay nakakalason at nakakamatay.
Idinagdag pa ng DOH na ang carbon monoxide ay isang gas na walang amoy, kulay o lasa na produkto ng pagsunog ng anumang panggatong gaya ng propane, gasolina, langis, kahoy o uling. Ito ay maaaring maipon sa mga sarado o bahagyang sarado na lugar sa loob ng bahay.
Pinayuhan naman ng publiko na agad na kumuha kaagad ng medikal na atensyon kapag hinihinalang nagkaroon ng pagkalason sa carbon monoxide.
Karaniwang resulta ng carbon monoxide inhalation ay nahihilo, magaan ang ulo,
naduduwal at nasusuka. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)