Advertisers

Advertisers

Isabela isinailalim na sa ‘State of Calamity’: LUMPO KAY ‘ULYSSES!’

0 204

Advertisers

ISINAILALIM na sa ‘State of Calamity’ ang lalawigan ng Isabela dahil sa grabeng epekto ng malawakang pagbaha bunsod ng 11 oras na malakas na pag-uulan ng nakaraang bagyong Ulysses.
Ayon kay Governor Rodito Albano III, inihahanda narin nila ngayon ang pondong ilalaan para magamit ng mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pagbaha.
Halos lahat ng low-lying areas sa lalawigan ay nalubog sa baha, gayundin ang pagkasira sa mga pananim dahil sa pagdapa sa mga sakahan, inprastraktura at namatay na mga alagang hayop.
Naitala rin ang dalawang casualty ng bagyo nang anurin ng rumaragasang tubig sa mga ilog.
Samantalala, pinag-iisipan ngayon ang pagsasagawa ng dredging sa mga sapa upang makalabas ang tubig sa Cagayan River at maiwasan ang lubhang pagtaas ng lebel ng tubig tuwing may pagbaha.(Rey Velasco)