Advertisers

Advertisers

Pagtaas ng covid cases sa evacuation centers na sinalanta ni ‘Ulysses’ ikinabahala ng DOH

0 231

Advertisers

Pinangangambahan ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga evacuation sites sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ulysess.
Dahil dito, magdadagdag ng testing at contact tracing efforts ang kagawaran bagama’ hindi umano madali ang paghahanap sa mga bagong nahawaan ng virus dahil ang sintomas ng Covid-19 ay nakikita makalipas ang apat na araw.
Ayon sa DOH, may mga ulat nang hindi nasusunod ang minimum health protocols sa mga lugar na nasalanta ng bagyo tulad ng social distancing at hindi pagsusuot ng face mask.
Patuloy namang nakabantay ang DOH para maiwasan ang posibleng paglobo pa ng Covid-19 sa bansa. (Jocelyn Domenden)