Advertisers
Dead on the spot ang isang pulis nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Bunga Menor sa bayan ng Bustos, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si PCpl.Abdul S Salipuddin, nasa hustong gulang.
Sa report ni PMs.Santos chief investigator ng Bustos Police, 11:45 ng umaga nang maganap ang ambush.
Sa ulat, papasok sa trabaho ang naturang pulis kung saan wala pang isang buwan, siyang nalilipat sa Angat Police Station mula sa dati niyang assignment sa Calumpit Police Station.
Ayon sa report, lulan ng Toyota Inova na kulay pula ang biktima na may plakang ZBT-866 kung saan malapitan itong pinaputukan ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet, na armado ng cal. 45 sakay ng kulay itim na NMAX.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa bahagi ng Bustos-San Rafael Bypass Road.
Nagsasagawa na ng dragnet operation ang mga awtoridad laban sa mga salarin.(Thony D, Arcenal)