Advertisers
Advertisers
Advertisers
ANIMNAPU’T APAT (64) sa 91 barangays sa Ilagan, Isabela ang nagmistulang lawa bunsod ng halos 11 oras na walang tigil na pag-ulan ng bagyong Ulysses nitong Miyerkoles at Huwebes.
Ayon kay Ilagan City Mayor Jay Diaz, mahigit 11,200 pamilya ang apektado ng matinding pagbaha at inaasahan na madadagdagan pa ang bilang dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig sa mga kabahayan kahit humupa na ang bagyo.
Mula kasi sa 91 na barangays sa Lungsod ay 64 dito ang nilamon ng tubig-baha. Bubong ng mga bahay na lamang ang nakikita.
Sinabi ni Mayor Diaz na puno na ang 19 evacuation centers sa Lungsod at patuloy parin ang pagdating ng bagong evacuees.
Daan-daang ektarya rin ng mais, palay at high-value crops ang nasira dahil sa matinding pagbaha.
Pahirapan pa aniya ang pagpasok sa ibang barangays na binaha dahil sa mataas parin na tubig-baha bunga ng patuloy na pagpakawala ng tubig ang Magat Dam.(Rey Velasco)
Prev Post