Advertisers
LABIS ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Tabaco City sa Albay sa ipinadalang tulong ni Senador Christopher “Bong” Go at ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Tabaco City Mayor Cielo Krisel Lagman-Luistro na malaking tulong para sa kanyang mga kababayan ang ginawa ng grupo ni Go.
Ayon kay Lagman-Luistro, isa sa Go sa mga unang national officials na tumulong sa kanila matapos hagupitin ng supertyphoon Rolly.
Sa katunayan aniya ay bago pa man humagupit ang bagyo ay nag-text na siya ni Go para kumustahin sila at paalalahanan.
Dagdag pa ng Alkalde na hindi man nakarating ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang lugar ay tiniyak naman nito ang tulong para sa kanyang mga kababayan.
Umabot sa 805 na pamilya ang nabigyan ng ayuda ng grupo ni Go. (Mylene Alfonso)