Advertisers
Advertisers
Advertisers
ITO na ang pinakamasaklap na naranasan ng mga Cagayanon sa kasaysayan ng mga pagbaha sa sa lalawigan.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, sa nakalipas na 15 taon ito na ang “worst floodings” na naranasan nilang Cagayanons.
Noong nakaraang taon ay may nangyari ring mga pagbaha pero hindi katulad ngayon na dumaang bagyong ‘Rolly’ at sinundan pa ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam, kungsaan abot hanggang bubong ng bahay ang baha na may kasama pang makapal na putik.
Ang dam ay nasa itaas na bahagi ng Ifugao at Isabela at sa lalawigan ng Cagayan ang bagsak ng malaking volume ng tubig.
Dahil dito, sa ngayin ay hindi pa madaanan ang mga kalsada patungong Isabela at ilang national highways patungo ng Ilocos region.
Samantala, umaabot sa 23 bayan na binubuo ng 135 barangays ang apektado ng malawakang pagbaha.
Nasa 40,000 indibidwal ang apektado, kungsaan 10,000 ang mga nasa evacuation centers. Ang iba naman ay pansamantalang tumuloy sa ilang malalaking bahay ng kapitbahay, kakilala at kamag-anak.
Kinumpirma rin ni Gov. Mamba na apat na ang nasawi na natabunan ng lupa at 2 ang nalunod sa kanilang probinsiya matapos ang malawakang pagbaha.
Umaapela ngayon ang provincial government ng Cagayan ng ayuda mula sa national government at tulong ng aircraft para ma-rescue ang ilang na-trap sa kanilang mga tahanan.(Rey Velasco)