Advertisers

Advertisers

2 todas sa warrants sa Cotabato

0 242

Advertisers

PATAY ang dalawa katao sa police operations sa magkahiwalay na lugar sa Matalam, North Cotabato, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang unang nasawi na si Abdullah Balah Banggaan, 33-anyos, may asawa, laborer na taga Purok 2, Barangay Natutungan, Matalam.
Sa ulat, isisilbi ng tropa ng Matalam PNP katuwang ang North Cotabato Police at PNP-SAF ang search warrant sa bahay ng suspek dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs.
Natunugan ni Banggaan ang paparating na raiding team at kanya agad ito pinaputokan, dahilan para ratratin siya ng mga operatiba. Nakuha sa bahay nito ang 9 sachets ng shabu.
Si Banggaan ay may warrant of arrest din sa kasong carnapping at isa sa mga most wanted person sa bayan.
Samantala, patay rin ang isang lalaki na kinilalang si Kamlon Balah Mantawil, 52, nang nakipag-agawan ng baril sa isang raiding operative sa Purok 4 Barangay Natutungan, Matalam.
Sa ulat, isasagawa lang sana ng mga pulis ang search operation laban sa target na si King Balah, 45, residente rin ng nabanggit na lugar, pero wala na ito sa kanyang bahay.
Tanging ang napatay na ama ng suspek ang naabutan ng operatives pero nanlaban ito kaya napatay.
Nahaharap si Balah sa kasong pagkakasangkot sa iligal na droga.
Nakuha sa bahay Balah ang 1 Colt 45, M1911A1, magazine ng caliber 45 at 7 sachet ng shabu.
Ang mga target ng nasabing operasyon ay magkakamag-anak.