Advertisers

Advertisers

Lider ng NPA may patong na P6.15m todas sa sagupaan

0 239

Advertisers

PATAY ang itinuturong pinuno ng New People’s Army (NPA) na may patong sa ulo na P6.15 milyon sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at mga rebeldeng grupo sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt. Gen Corleto Vinluan Jr., kinilala ang napatay na si Leonardo Nabong alias Otik/Berto/Bonie, dating secretary at kasalukuyang 1st Deputy Secretary ng NPA Western Mindanao Regional Party Committee.
Ayon sa 102nd Infantry Brigade Commander, Brig. Gen. Leonel Nicolas, naging Executive Committee member ng Komisyon Mindanao (KOMMID) si Nabong.
Nabatid na may nakabinbing warrants of arrest si Nabong para sa kasong multiple murder at quadruple frustrated murder and damage to government property, at rebellion charges na inisyu ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region Branch 36 sa Calamba, Misamis Occidental na may reward na P6.15 million.
Sa report, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army nang makasagupa ang isang grupo ng mga rebelde sa ilalim ng Guerilla Front Flex A ng Western Mindanao Regional Party Committee sa Purok 2, Barangay ZNAC, Tampilisan, Zamboanga del Norte, Biyernes ng hapon.
Tumagal ng halos isang oras ang bakbakan bago umatras ang mga rebeldeng komunista nang mapatay ang kanilang pinuno na positibong kinilala ng isang dating NPA na sumuko sa pamahalaan.