Advertisers

Advertisers

Rescuer patay sa kuryente

0 240

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isa sa mga rescuer nang makuryente sa Barangay Linao, Tuguegarao City nitong Biyernes, Nobyembre 13.
Kinilala ang biktima na si Kelly Villarao, kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, na nagboluntaryong sumagip ng mga kababayang nalubog sa matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Cagayan.
Sa social media post ng netizen na si Ian Saquing Maggay, kinumpima nito ang pagpanaw ng rescuer.
Marami ang nalungkot dahil nasawi si Villaro sa kalagitnaan ng kanilang operasyon sa pagsagip sa mga naghuhumiyaw na sa paghingi ng tulong na mga residente ng Brgy. Linao.
Ayon sa ulat, naantig ang puso ng marami nang malamang mayroon palang anak si Villarao na limang buwan gulang pa lamang at hindi na nito masisilayan pang buhay ang kanyang ama.