Advertisers
Cagayan – Pinangunahan ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang ongoing search, rescue and relief operations sa malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Agad pinag-utos ni Sinas ang deployment ng kanilang search and rescue units sa nasabing mga lalawigan para tulungan ang mga na-trap sa baha dulot ng nagdaang bagyong Ulysses.
Lahat ng PNP units ay pina-mobilize ni Sinas para tumulong sa search and rescue effort. Ang Police Regional Office 2 ang siyang may kontrol sa lahat ng PNP units na nagsasagawa ng operasyon.
Ang PNP-Maritime Group naman ay nag-dispatch narin ng rescue boats .
Tatlong teams mula sa PNP Special Action Force (SAF) kasama ang dalawang trucks sakay ang Kalinga PDRRMO para tumulong sa Cagayan.
Kaalinsabay nito, namahagi ng relief goods ang PNP sa mga apektadong lugar sa Cagayan.
Samantala, sumailalim sa swab test ang team ni PNP Chief nang magtungo ito sa Cagayan Valley kahapon para pangunahan ang search, rescue and relief operations sa lugar. Bahagi ito sa pagsunod sa protocol na ipinatutupad ng IATF laban sa COVID 19 para masiguro na ligtas sa possible infection ang grupo ni Sinas habang tumutulong sa mga naapektuhan ng pagbaha. (Rey Velasco/Gaynor Bonilla)