Advertisers
IPINALIWANAG ng National Irrigation Administration (NIA) ang dahilan kaya binuksan ang 7 gates ng Magat Dam nitong nakalipas na linggo, na sinasabing sanhi ng pagbaha sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Ayon kay NIA administrator Ricardo Visaya, kinailangan buksan ang gates ng Magat Dam simula noong nakaraang linggo sa gitna ng matinding buhos ng ulan dahil sa Bagyong Ulysses upang sa gayon ay maiwasan na mawasak ang dam at magdulot pa ng mas matinding problema.
Sinabi ni Visaya na ang laki ng reservoir ng Magat Dam ay humigit kumulang 4,800 hectares kaya kapag mawasak ito dahil sa lumampas sa spilling level na 193 meters above mean sea level ay milyon-milyong katao ang maapektuhan. (Josephine Patricio)