Advertisers
PUMALO na sa 409,574 ang kaso ng Covid-19 sa bansa matapos madagdagan muli ng 1,738 nitong Lunes, Nobyembre 16.
Sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) umabot naman sa 374,366 ang gumaling na sa sakit dahil sa karagdagang 45 habang 7,839 na ang kabuuan ng mga pumanaw dahil sa karagdagang 7.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 27,369 na lamang kung saan ang kalagayan ng 83% ng mga pasyente ay mild, 8.5% ang asymptomatic, 5.3% ang critricval at 3.0 ang severe habang 0.20% ang moderate.
Ang Davao City naman ang nanguna sa may naitalang mga mataas na kaso ng Covid-19 na nasa 140; Cavite,117; Rizal, 89; Laguna, 87 at Batangas, 79. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)