Advertisers

Advertisers

Delivery boy pinasabog ang bungo ng 6 holdaper

0 277

Advertisers

SABOG ang bungo ng isang delivery boy ng softdrinks nang pagbabarilin ng anim na holdaper sa Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Joseph Jutay, 39, residente ng Supa, Tigbauan.
Sa report, 4:00 ng hapon nitong Linggo nang maganap ang krimen sa Barangay Cansilayan, Tigbauan, Iloilo City.
Sa ulat, sakay ang biktima sa tricycle kasama ang live-in partner na si Analisa Paragsa nang harangin sila ng anim na lalaki na armado ng baril at mga nakasuot ng bonnet.
Ayon sa report, binaril ng mga salarin ang gulong ng tricycle ng biktima saka siya binaril sa ulo at likurang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay.
Kuwento ni Paragsa, nagdeklara ng holdap ang mga salarin at kinuha sa kanya ang bag na may lamang pera at cellphone.
Sinabi pa ni Paragsa na pinatakbo siya ng mga salarin papalayo dahil kung hindi ay babarilin din siya ng mga ito.
Nakahingi ng tulong sa mga pulis si Paragsa, subali’t hindi na naabutan ang mga salarin na mabilis na nakatakas.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.