Advertisers

Advertisers

Duterte nagpasaklolo sa LGUs para sa paglipat sa mga residente mula sa mababang lugar

0 216

Advertisers

NAGPASAKLOLO si Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units na kumbinsihin ang mga residenteng naninirahan sa low lying areas o sa mga lugar na madalas bahain at landslide na lumikas na sa mas ligtas na lugar.
Pahayag ng Presidente, may mga housing resettlement naman ang pamahalaan na maaring paglipatan.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na pahirapan ang pagkumbinsi sa mga residente na lumipat ng bahay.
Hangga’t hindi aniya lumilipat ng bahay ang mga residente na naninirahan sa mga mapanganib na lugar, magiging paulit-ulit lamang ang kalbaryo at trahedya.
Matatandaang maraming bahay ang nalubog sa baha sa Cagayan Valley at Isabela dahil sa bagyong Ulysses. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)