Advertisers
UMABOT na sa P2.14 Billion ang naitalang pinsala sa Agrikultura ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa region 1, 2, 3,Calabarzon, Region 5 at Cordillera region.
Nasa P482.85 million naman ang pinsala sa infrastraktura sa region 1,MIMAROPA at region 5.
Sa ngayon, sumampa na sa 2,074,301 katao ang apektado sa region 1, 2, 3,Calabarzon, Mimaropa, region 5 at Cordillera.
Habang nasa 69 naman ang nasawi kung saan 22 dito sa Region 2, dalawa sa region 3, Calabarzon -17, walo sa Region 5, 10 sa Cordillera region at 8 sa NCR.
Pinangunahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang council meeting kaninang umaga para talakayin ang pagbuo ng Task Force.
Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tuloy pa rin ang ahensiya sa kanilang mandato kahit ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng Task Force para pabilisin ang pagtugon ng Pamahalaan sa mga apektadong lugar na hinagupit ng Bagyong Ulysses.