Advertisers
MATAPOS salantahin ng malakas na bagyong Rolly ang Albay sa Bikol nitong mga nagdaang araw ay bulkan naman ang nagbabanta sa lalawigan.
Nakapagtaka ng anim na rockfall event ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs na inilabas nitong Lunes, Nov. 16, nakapagtala rin ng dalawang volcanic earthquakes sa Mt. Mayon.
Noong Oct. 29 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 436 tonnes per day ang average.
Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal padin ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
May mga panganib parin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.