Advertisers

Advertisers

Pagsailalim sa Luzon sa state of calamity irerekomenda — NDRRMC

0 404

Advertisers

IMUMUNGKAHI ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa state of calamity ng buong rehiyon ng Luzon.
Pinangunahan ni NDRRMC Chairman at Defense Sec. Delfin Lorenzana ang isang pagpupulong para alamin ang pinsalang dulot ng Bagyong Ulyses sa kanilang punong tanggapan sa Kampo Aguinaldo.
Sa nasabing pulong, napagkasunduan ang rekumendasyon kay Pangulong Duterte na isailalim na sa State of Calamity ang buong isla ng Luzon dahil sa tindi ng pinsalang idinulot ng mga nagdaang Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Pinagtibay din sa nasabing pulong ang pagbuo ng isang Technical Working Group para sa prevention, mitigation at preparedness clusters ng NDRRMC upang silipin naman ang kasalukuyang estado ng mga Dam.
Inatasan din ni Lorenzana ang PAGASA na muling balikan ang historical data nito upang mapalakas pang lalo ang kanilang paglalabas ng babala bago pa tumama sa bansa ang isang bagyo.
Matatandaang lumabas sa naging pulong nitong linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tila kapabayaan ng mga Dam Managers sa Magat at Angat na siyang itinuturong may sala sa malawakang pagbaha sa Cagayan, Isabela, Marikina at Rodriguez sa Rizal dahil sa kawalang babala umano ng mga ito sa Lokal na Pamahalaan. (Josephine Patricio)