Advertisers

Advertisers

Residente sa Marikina nasunugan, binaha pa

0 236

Advertisers

MAGKASUNOD na dagok sa buhay ang sinapit ng isang residente ng Marikina City. Dahil bukod sa nasunugan na, binaha rin ang kanilang tahanan dulot ng bagyong Ulysses.
Isa si Mario Morfe, sorbetero, sa mahigit 2,000 evacuees na pansamantalang nanunuluyan ngayon sa H Bautista Elementary School.
“Mahirap po, Sir! Kahit dito sa evacuation mahirap eh, kasi maraming tao hindi ka makatulog ng maayos,” ani Mang Mario.
Sa kabuuan, 3,211 pamilya ang nasa iba’t ibang paaralan sa Marikina na nagsisilbing evacuation centers.
Patuloy pa ang clearing operations sa mga apektadong lugar.