Advertisers

Advertisers

Tuguegarao City mayor nag-bday sa Batangas sa gitna ng bagyo nagpaliwanag… PALUSOT!

0 238

Advertisers

DUMEPENSA si Tuguegarao City, Cagayan Mayor Jefferson Soriano sa mga bumabatikos sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan sa Batangas habang binabayo ng Ulysses ang kanyang lugar na nasasakupan.
Umalis si Soriano sa Tuguegarao City Nov. 8 para sa kanyang birthday celebration.
“Ang protocol po dun kung under storm signal ‘di po kami aalis. Sinunod ko po ang protocol ng local government code na magpaalam ka kung aalis ka and everything,” aniya sa panayam.
“Nung na-monitor ko po na medyo tumataaas ang tubig sa Bunton Bridge, ‘yun po ang pinaka-barometer namin, ay nag-attempt ako umuwi ng November 12.”
“I left Manila nung November 13 ng umaga, alas-3:00. I reached Tuguegarao in the afternoon in time for rescue kasi ‘yun na ang kasagsagan ng flooding dito sa Tuegugarao. Humihingi ako ng dispensa sa problema na ‘yun,” lahad pa nito.
“Every year naghahanda po kami sa baha pero hindi po ganito kalaki at kalawak.”
Pinadalhan na ng DILG si Mayor Soriano ng show cause order para magpaliwanag sa “absent” niya sa panahon ng kalamidad.
Nahaharap ang alkalde sa kasong administratibo.