Advertisers
NASAWI ang isang abogado nang tambangan sa Palawan nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Atty. Eric Jay Magcamit, 35 anyos.
Sa ulat, binabaybay ni Magcamit ang kahabaan ng national highway sa Barangay Malinao, Narra, Palawan nang pahintuin siya ng dalawang hindi kilalang lalaki,pinababa sa kanyang sasakyan at binaril.
Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Ayon sa Integrated Bar of the Philippines – Palawan Chapter, nasa biyahe si Magcamit para dumalo sa hearing sa Quezon, Palawan.
“It is our consistent stand that violence has no place in this civilized society, especially against those in the legal profession who are courageously helping in the administration of justice,” ayon sa pahayag ng IBP chapter.
“This tragic incident is not only an attack to a member of the IBP but also an attack to the legal order and justice system by means of fear and violence. The perpetrators must be swiftly brought into the hands of the law by those in authority,” anang grupo.
Ipinag-utos naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na tulungan ang lokal na pulisya sa imbestigasyin kung kailangan.
Mahigit 50 abogado, husgado, at piskal na ang napatay mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016. (Mark Obleada)