Advertisers

Advertisers

Ifugao landslide: 5 na patay sa mga tauhan ng DPWH

0 279

Advertisers

LIMA na ang nasawi sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways sa landslides sa Ifugao habang nagsasagawa ng road clearing operation.
Ayon kay PNP Ifugao Provincial Director Police Colonel David Mariano, nasa kalagitnaan ng clearing operation ang mga kawani ng DPWH at dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan ay sumilong ang mga ito kasama ang iba pang biktima sa isang abandonadong bahay nang natabunan ng lupa ang bahay at nahila ito pailalim ng halos 100 metro na bangin.
“There were 5 heroes that died serving our country during DPWH’s response to Typhoon Ulysses: Roldan Pigoh, Joel Ballag Chur-ig, Johnny Duccog, Julius Gula-yan, and John Mutug Limoh,” ayon kay DPWH Sec. Mark Villar.
Sa kabuuan, siyam ang nasawi sa trahedya.
“Siyempre dadaan doon yung mga magde-deliver ng relief goods kaya umpisa palang yung naka-preposition na ang assets at mga mission talaga nila ay ma-clear kaagad ang roads,” ayon sa unang pahayag ni Villar.
“Unfortunately they paid the ultimate price for their service. Nandun talaga sila sa frontlines. Ang laki ng sakripisyo nila,” saad ng kalihim.