Advertisers

Advertisers

LAGON, IPINAGKANULO ANG SABONG!

0 786

Advertisers

HINDI makapaniwala ang pitak na ito na ang isang pinagpipitagang tahor na sabungerong tulad ni Ako Bisaya Partylist Representative, Sonny Lagon ay magagawang magtraydor sa masa na naghatid sa kanya sa kinalalagyan nitong pwesto sa ngayon.

Tila apoy ang balitang kumakalat na isa ang kongresista sa tutol para makapagbukas na ang mga lisensyadong sabungan sa bansa pagkat palihim ito diumanong nagpapatakbo din ng kontrobersyal na online sabong. Si Sonny Lagon ay ang may-ari ng Blue Blade Gamefarm na nasa San Pablo City, Laguna na isa sa pinakasikat na gamefowl farm sa Pilipinas sa larangan ng industriya ng sabong.

Mahigit sa 2,500 ang mga license cockpit sa buong kapuluan na hindi nakakapag-operate simula pa noong March 2020, sanhi ng pananalasa ng COVID 19, kaya may mahigit sa 1.2 milyong katao na umaasa sa sabong ang ngayon ay nagugutom.



Ngunit hindi ang namamayaning pandemya ang mahigpit na kaaway ng mga sabungero, kundi ang mga pasimuno ng pagtatatag ng sabong online na kilala ding e-sabong.

Sina Gambling icon Atong Ang at ang mga pakner nitong sina Benitez at Bernos na iniuulat na nagpapatakbo ng Sabong Online International ang sinisisi ng mga apektadong mananabong sa pagkatengga ng pasabong na tuluyang nagpabagsak sa industriyang ito sa bansa.

Nag-ooperate sina Ang ng kanilang online pasabong sa bayan ng Sta Cruz, Laguna, nagkakamal ng salapi sa gitna ng rumaragasang COVID 19, habang halos hindi kumakain ang mahigit pa sa 1.2 milyong umaasa sa tradisyunal na sabong. Bawat sultada sa pasabong nina Ang ay ine-ere via live streaming sa social media.

Kumikita ng milyones na halaga ng salapi kada araw ang grupo nina Ang sa pamamagitan ng online betting mula sa ibang bansa at maging sa mga lokal na sabungero.

Talaga nga namang hindi pantay ang pagpapatupad ng batas, double standard wika nga dahil sa lumilitaw na mistulang sacred cows ang grupo ng tinatagurian ding Boss Atong sa larangan ng sabong samantalang sarado at walang hanapbuhay ang mga cockpit operators sa bansa at ang mga umaasa sa mga ito.



Bagamat kinumpirma na nina Task Force COVID Shield Commander, LtGen. Guilllermo T. Eleazar, Department of Interior and Local Government, Sec. Eduardo Año at Malacañang Spokesperson Harry Roque na bawal ang pasabong sa mga lisensyadong sabungan at maging sabong online o e-sabong ay di pa rin masupil ang operasyon nina Ang, Benitez at Bernos.

Bilib na bilib tayo kina Boss Atong, akalain nyo naman pati na pala si General Eleazar na second highest at PNP Deputy Chief for Operation, Sec. Año at Sec. Roque ay tahasan nitong hinahamak dahil sa pagbalewala ng kanyang grupo sa panawagan ng mga naturang high-ranking PNP at government officials?

Ngunit sa pagkakilala ko kay Eleazar, hindi sa katulad lamang ni Atong Ang “maninindig ang mga balahibo” nito. Ang hindi ko lang talastas ay kung gaano katatag ang paninindigan naman ng isang Sec. Año at Sec. Roque pagdating sa usaping Atong Ang at sabong online?

Dito natin makikita ang tunay na kulay at liderato ng bagong PNP Director General, Debold Sinas, kakayanin kaya nito ang pwersa ng isang Boss Atong?

Ang buhay nga naman, napaniwala tayo noon ni Ang na malaki ang malasakit nito sa mga Pinoy pagkat boluntaryo itong nakipagtulungan sa congressional inquiry noong 2018 para malantad ang mga katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon noon kay Ang na kinunsidera pa namang gambling expert ng kamara, ay ugat ng paglaganap ng jueteng ang paggamit ng PCSO-sponsored Small Town Lottery (STL) bilang prente ng iligal na pajueteng.

Buong tapang na nakipagbangayan ito kina ex-PCSO Chairman Alexander Balutan at iba pang hinihinalang korap na PCSO officials upang ipakita ang sinseridad nito sa pakikipagtulungan sa Administrasyong Rodrigo Duterte.

Lakas loob ding binangga ni Ang ang nagkaso sa kanya at kay dating Presidente Joseph “Erap” Estrada na Pamahalaang Gloria-Macapagal Arroyo (PGMA) na lilok lamang o likha ng aniya ay gambling Icon na si Bong Pineda. Itinuro nito si Pineda na siyang komokontrol ng STL cum jueteng sa 11 probinsya sa bansa.

Itinuring si Ang na gambling expert dahil sa kanyang mga exposé, ang hindi natin alam ay tila gimik lamang niya ito para mapalapit kay Tatay Digong at magamit na pananggga sa kanyang natatago at hinaharap na lihim na agenda- ang pagpapatakbo ng sabong online?

Ngunit ang hindi maganda nito pati ang mabunying kongresistang nagsusulong para magkaroon muli ng pasabong sa mga license cockpit ay nakakaladkad ang pangalan na nakipagsabwatan kina Ang.

Bakit kanyo? Mangyari noong nakaraang buwan lamang mg Oktubre, ay nagkaroon ng anunsyo na may malakihang pasultada si Cong. Lagon sa Laguna na kontodo anunsyado pa sa mga nakakabit na tarpauline sa mga estratehikong lugar sa nasabing lalawigan kaugnay sa nakatakdang pasabong na sponsored ng Blue Blade Gamefarm at coverage pa nga live streaming ng social media.

May mga imbitasyon ding ikinalat sa mga kasabong na nagbigay ng impresyon na kasuporta nga ng kongresista sina Ang sa kanilang pagpapatakbo ng online o e-sabong.

Kaya kung tunay ang damdaming makabayan ng inhenyerong Party list Cong. Lagon ay dapat na umaksyon na ito para ipatigil ang online sabong.

Kailangang igiit nito ang nauna na niyang kahilingan sa Pamalaang Duterte at COVID 19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na buksang muli ang naparalisang operasyon ng mga lisensyadong sabungan!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.