Advertisers

Advertisers

Sen. Go pabor sa “Bayanihan 3”

0 203

Advertisers

PAYAG si Senador Christopher Bong Go na magkaroon ng Bayanihan 3 para mas matulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad.

Sinabi ni Go na bagama’t isang boto lang siya sa Senado, pabor naman siyang gamitin ang lahat ng paraan para makatulong sa mga Pilipino lalo na at ayuda sa mga mahihirap na Pilipino ang target ng Bayanihan.

Gayunman, nilinaw ni Go na ang tanong ay kung may pera pa ang treasury at mayroon pang makukunan ng pampondo sa panukalang Bayanihan 3.



Ayon kay Go, mahalagang matulungan ang mga nawalan ng trabaho para mayroong pangtustos sa kanilang pamilya.

Samantala, muli namang inihayag ni Go na optimistiko siyang parating na ang bakuna kontra COVID-19 at uunahin ang mga mahihirap at vulnerable sector para makabalik sa normal na hanap-buhay ang mga ito. (Mylene Alfonso)