Advertisers

Advertisers

Deklara ni Duterte: LUZON UNDER STATE OF CALAMITY!

0 315

Advertisers

INILAGAY na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon region sa state of calamity.
Ito ay dahil sa matinding pinsala dulot ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses.
Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nitong nakaraang Lunes pa ay napirmahan na niya ang nasabing mga papeles na naglalagay sa state of calamity ang buong Luzon.
Nauna nang inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang declaration ng state of calamity sa buong Luzon dahil sa matinding pinsala na iniwan ng mga bagyo. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)

DTI: Price freeze automatic sa ilalim ng state of calamity sa Luzon 

WALANG pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Luzon matapos itong isailalim sa state of calamity ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahaya ito ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo kaya’t nangangahulugang nasa ilalim ng price freeze ang buong Luzon.
Ayon kay Castelo, malinaw sa section 6 ng Republic Act No. 7581 o Price Act na maliban na lang na alisin ng pangulo ng bansa ang state of calamity, awtomatikong iiral ang price freeze o walang ipatutupad na paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, mais, tinapay, fresh, dried at canned fish at iba pang marine products, karneng baboy, baka, itlog, gulay at iba pang commodity na tutukuyin ng DTI at Department of Agriculture.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">