Advertisers

Advertisers

DepEd tutulungan ang mga guro na naapektuhan ng mga bagyo

0 196

Advertisers

NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na tutulungan ang mga guro at kawani nilang nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones na inatasan na niya ang lahat ng mga field offices na isumite ang listahan ng pangalan ng mga teachers at personnel na lubos na naapektuhan ng mga bagyo at pagbaha.
Mayroon din aniyang calamity loan para sa mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang mga private lending institutions.
Aniya, ilalabas na rin daw ng DepEd ang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod at P5,000 na cash gift.
“The Department will also provide provident fund emergency loans to the teaching and non-teaching personnel who were affected by the recent typhoons,” dagdag nito.
Para naman sa nasirang mga modules, maglalabas ng karagdagang pondo ang DepEd para sa reproduction o replacement ng mga ito.
May ipamamahagi rin mga hygiene kits at may isasagawa rin aniyang clean-up drive at psychosocial first aid para sa mga naapektuhang paaralan.
Ayon kay Briones, prayoridad ng kagawaran ang mga guro at mag-aaral sa muling pagbangon ng edukasyon sa harap ng kalamidad at pandemya. (Josephine Patricio)