Advertisers
APRUBADO na ng House committee on appropriations ang substitute bill na naglalayong i-modernize, professionalize at ma-improve ang natatanggap na compensation ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, na dating BI Commissioner, mahalaga ang panukalang batas na ito na naglalayong gawin mas responsive ang BI sa mga hamon at developments sa migration at immigration.
Bukod kasi sa pastillas scam na pumuprotekta sa karamihan sa mga illegal Chinese nationals, marami ring banyaga sa bansa ang sangkot ngayon sa iba’t ibang krimen tulad ng kidnapping, smuggling, human trafficking at terrorismo.
Igniit ni Rodriguez, may-akda ng House Bill No. 4103, isa sa mga panukalang pinagsama-sama ng komite, na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humingi sa approval ng naturang panukala sa State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo.
Ang proposed Philippine Immigration Act ang siyang papalit sa 1940 immigration law o mas kilalang Commonwealth Act No. 613.
Dito nakadetalye ang kapangyarihan at function ng immigration bureau, commissioner nito, dalawang deputy commissioners, at iba pang mga opisyal.
Nakasaad din sa panukala ang hiling na dagdagan ang sahod ng mga BI commissioners at mga kawani nito. (Henry Padilla)