Advertisers

Advertisers

Covid update: 286 gumaling; 41 nasawi; 1,337 bagong kaso

0 519

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 1,337 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 286 na gumaling at 41 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% (30,493) ang aktibong kaso, 90.7% (374,939) na ang gumaling, at 1.93% (7,998) ang namatay.
Naitala naman sa Davao City ang mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw na may 110, sinundan ng Laguna na may 74, Quezon City, 66; Batangas, 54; at Maynila na nakapagtala ng 53 bagong kaso.
Samantala ay nagpahayag ng pagtutuwid ang DOH sa kanilang case bulletin noong Nobyembre 17.
Ang pagtaas ng ICU bed occupancy (53%) ng nasabing petsa ay bunga ng mali sa data entry mula sa isang facility. Ito ay naitama na noong November 18 kaya accurate na ang ICU bed occupancy (42%). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)