Advertisers

Advertisers

Higit P10-B pinsala sa agrikultura at imprastraktura ni Ulysses – NDRRMC

0 288

Advertisers

UMABOT na sa higit P10-bilyon ang pinsala na iniwan ng bagyong Ulysses sa bansa kung saan P4 billion dito ay sa sektor ng agrikultura habang nasa P6.1 billion naman sa imprastraktura.
Batay ito sa initial assessment ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Peter Paul Galvez, patuloy pa ang isinasagawang damage assessment sa mga napinsalang rehiyon.
Sa datos na inilabas ng NDRRMC nasa 65,222 na mga kabahayan ang nasira kung saan 6,050 dito ang totally damaged.
Inihayag ni Galvez na nasa 2,655 na mga kabahayan ang nasira sa Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga.
Nananatili naman sa 73 ang fatalities sa bagyong Ulysses, 24 ang sugatan habang 19 ang missing.
Nasa 316 pa na mga siyudad at munisipyo ang wala pa ring kuryente.
Sa ulat naman ng DRRMCs mula sa 67 road section na hindi passable sa ngayon ay nasa 48 na lamang. (Josephine Patricio)

‘2020 GDP impact ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses nasa P90-B’

INAMIN ng National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang impact ng pinsalang iniwan ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa ekonomiya ng bansa na sumadsad na nga dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, batay sa kanilang pagtaya, nasa .15 percentage points ang mawawala o ibababa ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa buong taon.
Pahayag ni Usec. Edillon, katumbas ito ng nasa P90 billion pero maaari pa itong magbago dahil kinokolekta pa ang data sa ground.
Subalit sa kabila nito, masayang ibinalita ni Usec. Edillon na gumagaling o bumabawi na rin ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok sa COVID-19 pandemic.
Kung noong second quarter ay naitala sa -16 level ang ekonomiya ng bansa, bahagyang bumawi na ito sa -11 percent nitong third quarter at tiwala silang magpapatuloy ang ganitong trend dahil sa unti-unting pagbubukas ng mga negosyong nagsara o nalimitahan ang operasyon sa mga ipinatupad ng lockdown.