Advertisers
Mamahagi ang National Food Authority (NFA) Region 2 ng 500 sako ng bigas sa mga bayan at lunsod sa Isabela at Cagayan na apektado ng malawakang pagbaha sa nakaraang bagyong Ulysses, ayon kay Elimar Regindin, acting Assistant Regional Director ng NFA Region 2
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal upang maipadala ang tulong na bigas sa lalong madaling panahon.
Ayon kay pa Regindin, mabibigyan lahat ang 37 bayan at lunsod sa Isabela habang 29 bayan at lunsod naman sa Cagayan.
Ang pinakamagandang well-milled rice ang ibibigay ng NFA sa LGUs, pangako ng opisyal.
Nagsimula na silang mamahagi sa bayan ng Echague, Angadanan, Ramon at Santiago City.
Nakikipag-ugnayan din sila sa coastal towns dahil may bodega ang NFA sa Palanan at doon na kukunin ng mga karatig na bayan nito ang 500 sako ng bigas para apektado ng pagbaha.(Rey Velasco)