Advertisers

Advertisers

Viral: Mom at Dad busy sa pagsagot ng module ng anak na pa-relax-relax

0 424

Advertisers

MARAMING magulang ang labis na nagbibigay-halaga sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Para kasi sa magulang, magandang edukasyon lamang ang kaya nilang ipamana sa kanilang mga anak upang magkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan.
Ngunit nakakalungkot nga lamang isipin na marami sa atin ang nakararanas ngayon ng malaki at mahirap na pagbabago dahil narin sa module learning ng mga kabataan sa ngayon.
Maraming magulang na ang nagrereklamo dahil sa napakaraming module ang kailangang sasagutan ng kanilang mga anak.
Hindi naman lahat ng mga magulang ay nakapagtapos ng pag-aaral at marami rin ang nagtatrabaho sa kanilang mga bahay o work from home.
Kung maraming magulang ang tila nagrereklamo sa dagdag na trabaho na ito, kakaiba naman ang larawang kumakalat ngayon sa social media.
Larawan kasi ito ng mag-asawa na seryosong nagsasagot ng mga module ng kanilang mga anak habang ang mag-aaral ay tila hayahay lamang ang buhay at walang pinoproblemang kahit ano.
Makikita pa sa larawan na relax na relax ang postura nito at umiinom pa ng softdrinks, habang ang kanyang mga magulang sa kanyang tabi ay makikitang tutok na tutok sa kanilang sinasagutang module.
Ayon sa panawagan ng DepEd, nais nila sanang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagsagot sa learning modules na ito ngunit hindi upang sagutan nila mismo ang lahat ng mga ito.
Para naman sa mga magulang, sadyang napakarami ng halos sampu at mahigit pang module para sa isang estudyante lamang lalo na kung mayroon kang higit pa sa isang anak.(PFT team)