Advertisers

Advertisers

2 bangkay na nakaposas tinapon sa Quezon City

0 295

Advertisers

DALAWANG bangkay ng lalaki na nakaposas ang natagpuan sa Katipunan Avenue, Quezon City nitong Biyernes.
Bukod sa nakaposas, may mga tama ng bala ang dalawang bangkay.
Ayon sa isang barangay tanod, isang motorista ang nakakita sa mga bangkay at nag-report sa kanila 2:00 ng madaling araw.
Nakadapa at nakasuot ng pulang T-shirt at shorts ang isang bangkay, samantalang ang isa naman, na may 10 metro ang layo, nakasuot suot ng puting T-shirt at pantalon.
May nakuhang dalawang ID mula sa mga bangkay.
Aabot sa 15 basyo ng bala ang na-recover ng SOCO sa lugar.
Ayon sa mga taga-barangay, hindi taga-roon ang mga biktima dahil walang nakakakilala sa mga ito.