Advertisers

Advertisers

Covid update: 305 gumaling; 27 nasawi; 1,639 bagong kaso

0 211

Advertisers

UMAKYAT na sa 415 067 ang kabuuang bilang ng covid 19 cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1 639 na bagong kaso ng COVID-19.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 113 new cases, Laguna na may 76 new cases, kapwa naman may 75 new cases ang Quezon City at Rizal, habang may 63 new cases ang Cavite.
May naitala lamang 305 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
Dahil rito, umabot na sa 375 237 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
May 27 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 8 025 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. (ANDI GARCIA/JOCELYN DOMENDEN)