Advertisers
POSITIBO si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lungsod.
Sinabi ni Magalong sa virtual media forum ng National Press Clunb (NPC) na ang malaki ang ibinaba ng kaso ng covid-19 ngayon kumpara noong Oktubre.
Aniya, ito ay dahil narin sa mga serye ng interventions na ginagawa ng local na pamahalaan ng Baguio City upang mapigilan o maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lungsod.
Paliwanag ng alkalde, malaking bagay din ang leadership ng local government units sa pagsugpo sa Covid-19 dahil hindi naman aniya maaring iasa lamang sa national government ang lahat ng desisyon.
Aniya, kailangan ay tulong-tulong at dapat magkaroon ng strong leader para mapamunuan kung paano maipatupad ang mga intervention laban sa nakamamatay na sakit.
Samantala, aminado si Magalong na malaki ang naging epekto ng pandemic sa tourism industry sa Baguio City.
Aniya, noong 2019 ang kanilang turismo ay umabot sa 1.7 milyon ngunit dahil sa pandemic, umabot na lamang sa halos 90 libo.
Hindi lamang aniya turismo ang naapektuhan kundi maging ang mga revenue at mga trabaho. Umaasa siya na sa pagpapatuloy nga pagbaba ng kaso sa kanilang lugar sa pamamagitan narin ng mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restrictions ay unti-unting makakabangon ang ekonomiya ng Baguio City at ang turismo ay muling lalakas. (Jocelyn Domenden)