Advertisers

Advertisers

Lalaki huli sa pagbebenta ng expired na gamot

0 258

Advertisers

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang manager ng isang disposal facility sa Bulacan na sinasabing nagre-repack at nagbebenta ng mga expired na mga bakuna at gamot.
Na-entrap ang suspek na si Marilou Villana nang magbenta ito ng 5 kahon ng mga expired na gamot sa halagang P12,000.
Ang ilan sa mga gamot sa kahon ay isang taon nang expired at dapat nang sirain para hindi na magamit.
Ayon kay Gomel Clemente Gabuna, direktor ng North Luzon cluster ng Food and Drug Administration (FDA), kailangan may kinatawan mula sa kanilang ahensiya sa pag-dispose ng mga gamot.
Natuklasan din ng mga awotridad na ang ilan sa mga nakuhang bakuna ay hindi binebenta sa Pilipinas.
Kulong ang suspek sa paglabag sa Consumer Act at FDA Law. (James de Jesus)