Advertisers
ISANG Pulis-Maynila ang nakabaril nang sugurin ng ibang grupong nag-iinuman habang nakikipag-inuman sa kanyang mga barkada sa Tondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.
Ang pulis ay nakilalang si Corporal Alvin Santos, nakatalaga sa Police Station 3 ng MPD sa Quiapo.
Kinilala ang nasawi na si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP Rizal St., Tondo; habang sugatan ang kasama nitong si Mark Lester Quinones, 28, binata at residente rin sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat ni Barangay Chairman Reynaldo Go ng barangay 106 Sona 8, Tondo, isa ang nasawi at isa ang malubhang nasugatan sa insidente na nangyari pasado alas-3:00 ng umaga.
Nabatid na nakikipag-inuman sa kanyang kaibigan sa may J.P. Rizal st. sa nasabing barangay si Corporal Santos nang lusubin ng grupo ng mga lasing galing sa ibang barangay. Nagpakilala sa grupo si Santos na isa siyang pulis. Pero di nakinig ang grupo. Nakipag-agawan umano ang mga ito sa baril ng pulis. Pumutok ang baril at dalawa ang nasapul, isa ang kainuman ng pulis na kritikal ang kondisyon at isa mga lumusob na nasapul ng 3 bala patay.
Naagaw din ng mga sumaklolo ang baril at ibinigay na ito sa mga pulis na rumesponde.
Tumakas naman si Corporal Santos pero sumuko sa Manila City Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ni Major Jun Ibay.