Advertisers

Advertisers

Dating hepe ng Jolo police, tinadtad ng bala

0 1,185

Advertisers

Patay sa pamamaril ang dating Chief of Police ng Jolo Police sa Narciso Ramos Highway Brgy. Macabiso Sultan Mastura, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Pol. Lt. Col. Walter Annayo.
Sa ulat, patungo sana sa Parang, Maguindanao si Annayo pero pagsapit ng Narciso Ramos Highway bumaba ito at bibili sana ng buko juice nang bigla itong pagbabarilin ng salarin na sakay ng puting Toyota Fortuner.
Nagtamo ang police officer ng tama ng mga bala ng baril sa kanyang ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan na agad niyang ikinamatay.
Si Captain Annayo ang hepe ng Jolo PNP nang mangyari ang shooting incident sa pagitan ng ilang tauhan ng Jolo police at mga miyembro ng Philippine Army na ikinasawi ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong buwan ng Hunyo.
Sinibak sa puwesto si Annayo at itinalaga sa Regional Personnel Holding Unit sa PRO BAR matapos ang insidente.(PFT team)