Advertisers
Advertisers
Advertisers
LAGUNA – Bumagsak sa mga kamay ng pinagsanib na elemento ng San Pedro Drug Enforcement Team (DET), Provincial Intelligence Unit (PIU), PDEA, at Regional Intelligence Division (RID-4A) ang isang bigtime na tulak ng droga na nahulihan ng mahigit 6 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana makaraan ang magkasunod na operasyon ng mga operatiba sa lungsod ng San Pedro.
Sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II kay PRO4A Calabarzon PNP Director BGen. Felipe Natividad, nakilala ang naaresto na si Francisco Lopez alias “Gab”, 36, bartender, tubong Dolores, Quezon at pansantalang naninirahan sa TVL Compound, Bgy. Landayan, San Pedro City.
Sa imbestigasyon, nabuking na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng isang staff ng J&T Express ang ipapadalang malaking halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ni Lopez nitong nakaraang araw ng Miyerkules. Ang droga ay nakalagay sa stuff toys, mga botelya ng Keratin Shampoo at food supplement boxes.
Sa harap ni PIB Chief Lt. Col. Arvin Avelino, San Pedro Police chief Lt. Col. Jesus Lintag, at pamunuan ng J&T Express, tumambad sa mga ito ang 51 plastic rolled ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 5.6 kilos at nagkakahalaga ng P672,000.00.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang receiver ng nasabing iligal na droga.
Sa, follow up operation ng mga operatiba 11:10 Biyernes ng gabi sa SPRATC Terminal, Bgy. Poblacion naaresto si Lopez na nagpapanggap na kliyente ng J&T Express.
Nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang panibagong ipapadala nitong dalawang packages na naglalaman ng 10 cling-wrapped ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot sa 1.3 kilos, nagkakahalaga ng P156 libo, P2 libong pisong buy bust money at drug money na P3 libo.
Kasalukuyang nakapiit si Lopez sa San Pedro City PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (DICK GARAY)
Prev Post