Advertisers

Advertisers

Opisyal ng airport police, sangkot sa iligal na droga sa NAIA?

0 446

Advertisers

POSIBLENG matanggal sa serbisyo ang isang kawani ng Airport Police Department (APD) sakaling mapatunayan na umano’y protektor ng illegal drugs makaraang lumitaw sa masusing imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot ito sa iligal na aktibidades sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) terminals, lungsod ng Pasay.
Batay sa isinumiteng ulat ni Edgar Jubay, Director ng Intelligence and Investigation Service (IIS), kay ret. BGen Romeo L. Labador, AGM for Security and Emergency Services (AGMSES) na lumitaw sa isinagawang pagsasaliksik na sangkot umano sa drug trafficking ang suspek na si APD Lt. Joseph Eric Miranda, alias Jong, Head ng X-Ray, Security screeners at Security Inspection ng nasabing paliparan.
Ayon kay Jubay, nakatanggap sila ng Intelligence report na ginagamit umano ng suspek ang kaniyang posisyon sa pagpapalaganap ng iligal na droga sa bansa at sa katunayan ay kabilang ang huli sa Inter- Agency Drug Information Database (IADID) at listahan ni President Rodrigo Roa Duterte na sangkot umano sa katiwalian, hindi lamang sa NAIA kundi sa Metro Manila.
Nabatid na kamakailan lamang ay na-promote ang suspek bilang Inspector ng MIAA- Airport Police Department dahilan upang malampasan nito sa ranggo ang ilang ‘seniors’ sa hanay ng kapulisan.
Naging mahigpit din ito sa pagpapatupad ng seguridad sa loob ng NAIA terminals partikular sa lahat ng empleyado dito.
Nanatiling tahimik naman ang panig ni Miranda hinggil sa naturang katiwalian. (Jojo Sadiwa)