Advertisers
MASUSING iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang mga pasahero at piloto ng isang private chopper na RC-C8428 kaugnay sa illegal na paglapag nito sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.
Napag-alaman na ang naturang chopper ay npag-aari umano ni ACT- CIS Representative Eric Yap
Nabatid din na ang naturang private chopper ay lulan ng 5 mga pasahero at walang prior coordination sa Barangay at napag-alaman na wala ring clearance na ipinapakita ang piloto nito.
Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon nauna rito ay nagkarga umano ng gas ang chopper sa Brgy. Caticlan at agad na bumalik sa Boracay. Sa ngayon ay hindi pa nakuha ang panig ni Congressman Yap hinggil dito.(Josephine Patricio)