Advertisers
INANUNSYO ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nagpositibo siya sa COVID-19.
“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” wika ni Dela Rosa sa kanyang Facebook post.
“May ubo lang ako. Four kami [from d household nagpositive. Me, my eldest daughter, driver and househelp,” sabi pa ni Dela Rosa.
Bukod sa senador, apat na miyembro sa kanilang pamilya ang nagpositibo rin kabilang ang kanyang anak na babae.
Inabisuhan na ni Dela Rosa ang lahat ng mga nakasalamuha niya na gawin ang mga nararapat na protocols.
Si Dela Rosa ang ikalimang senador na tinamaan ng virus kasunod nina Senators Sonny Angara, Juan Miguel Zubiri, Aquilino Pimentel III at Ramon “Bong” Revilla Jr. na mga naka-rekober na sa sakit.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 415,067 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sinabi ng mga otoridad na bumaba na ang naitatalang daily COVID-19 cases sa bansa. (Mylene Alfonso)