Advertisers
Natagpuan ang bangkay ng isang utility worker na tadtad ng saksak at tinapon sa ilog ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Atila Balgos Avenue, Barangay Banica, Roxas City.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Caloyloy ng Tanza Norte, Panay, Capiz.
Ayon kay Police Lt. Col. Ricardo Jomuad Jr., hepe ng Roxas City Police Station, na mayroon na silang persons of interest na posible pumatay sa biktima.
Sinabi rin nitong hinihintay rin nila ang resulta ng DNA test ng dugo ng isa sa tatlong mga menor de edad at dugo ng biktima.
Ito’y matapos nakitaan ng mga pulis ng bahid ng dugo ang kuko ng menor de edad na siya ring nakakita sa naturang biktima.
Sa report, matapos patayin ang biktima, itinapon ito sa ilog at tinangay pa ng mga salarin ang pera nito na umaabot sa P5,000.(PFT team)