Advertisers
Advertisers
Advertisers
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang nasumpungan ng isang Grade 7 student nang sa kanyang paghahanap ng signal para sa online class ay nagahasa at pinatay pa ng walang pusong nilalang sa San Narciso, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Vee Anne Banico, 12-anyos, at Grade 7 student .
Nabatid na nagtungo sa may masukal na bahagi ng bundok sa Barangay Punta ang dalagita para makasagap ng signal ang kanyang celffone para makapag-online at upang makausap ang kanyang guro hinggil sa module.
Ayon sa kanyang lolo na si Vicente Banico, nagpaalam sa kanya ang apo nitong Biyernes ng umaga. Hinanap nila ang dalagita makaraan ang isang oras at natagpuan itong wala nang buhay, walang saplot sa katawan at maraming saksak sa katawan.
Isinailalim na sa awtopsiya ang mga labi ng biktima para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Isa lamang si Banico sa maraming napahamak at nasawi simula nang gawing online ang pag-aaral dahil sa pandemya ng covid 19.