Advertisers

Advertisers

ISANG BARANGAY SA TUGUEGARAO LUBOG PARIN SA BAHA

Kahit higit 2 weeks nang nakalipas ang bagyong Ulysses...

0 223

Advertisers

Cagayan – Hanggang sa ngayon ay nananatiling lubog sa tubig-baha ang Sitio Arsag, Barangay Linao East, Tuguegarao City, na higit dalawang linggo na matapos maranasan ang malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses dito sa lalawigan.
Ayon kay Choleng Sap ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), hindi parin marating ng mga sasakyan ang Bgy Linao Est kung kaya’t bangka ang kanilang ginagamit para maghatid ng tulong at relief goods.
Aniya, mahirap na humupa ang tubig-baha sa lugar dahil walang ibang daluyan o lagusan ang naipong tubig.
Posibleng sa susunod na buwan pa tuluyangmawala ang tubig-baha dito kung wala nang papasok pang bagyo sa mga sunod na araw o linggo.
Sa ngayon ay tanging ang improvised na bangka lamang ang kanilang ginagamit para makapunta sa lugar.
Nakapag-abot na ang grupo ng ayuda sa 35 pamilya na katumbas ng humigit-kumulang 200 indibidwal. Muli pa anila silang babalik dito para muling mag-abot ng tulong.
Nabatid na hanggang ngayon ay wala paring supply ng kuryente sa lugar at isa pang pangunahing kailangan ng mga residente ay ang tubig na maiinom, pagkain, damit at diaper ng mga bata.
Samantala, umabot na sa 40,875 pamilya na katumbas ng 144, 250 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa lungsod kungsaan nasa 67 pamilya parin ang nananatili sa evacuation centers sa lungsod, habang dalawa ang nasawi kabilang na ang rescuer na mula sa BFAR at isang residente na nalunod. – REY VELASCO