Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
TULAD ng maraming grupo at indibidwal na tumulong sa sinapit ng ating mga kababayan na nasalanta at naapektuhan ng bagyong Ulysses, kanya-kanya ring diskarte ang mga artista sa pagtulong sa mga ito.
Si Alden Richards, nagpa-livestream ng laro at nakalikom ng mahigit P222,500, na gagamitin niya para makatulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Dagdag pa ‘yan sa 10% ng kita ng kanyang restaurant, ang Concha’s Garden Cafe, na kanya ring ido-donate.
Sina KC Concepcion at Ruffa Gutierrez naman, nagpunta mismo sa Cagayan Valley para magbigay ng relief goods sa mga biktima ng bahang dulot ng bagyong Ulysses doon. Sa Instagram story ni KC ay makikita ang mukha ng mga bata sa labas ng kanyang sasakyan na tuwang-tuwa na makita siya.
Kasama rin nila sa relief operation ang mga anak ni Ruffa na sina Venice at Lorin. Mapapanood sa video ang personal na pamamahagi ng relief goods ng dalawang bata.
Ngunit kapansin-pansin ding tila naligwak ang social distancing sa ginawang pamamahagi ng relief goods nina KC, Ruffa at kanyang mga anak.
Hindi naman nagpahuli si Daniel Padilla at pamilya niya sa pamamahagi rin ng tulong. Pinost ni Daniel sa kanyang IG ang paghahanda ng kanyang team ng mga relief goods, habang pinost naman ng proud mom niyang si Karla Estrada ang pamamahagi nila ng anak ng mga relief goods. Kahanga-hanga ang mga artistang may malasakit sa ating mga kababayan.
***
TV5 MAY BERSYON NA RIN NG MMK AT MPK, MULA SA LETTER SENDERS NG TULFO IN ACTION
MAGKAKAROON na rin ng drama anthology ang TV5 na gaya ng Maalaala Mo Kaya ng ABS CBN at Magpakailanman ng GMA 7.
Pero ang ipi-feature nila rito ay hindi mula sa letter sender, kundi sa mga dumulog ng kaso sa Tulfo In Action. Ida-dramatized ito. O di ba, talagang level up na ang Kapatid network.