Advertisers

Advertisers

Mag-asawang bigtime tulak huli sa P6.8m droga

0 217

Advertisers

ARESTADO ang mag-asawa nang makakuhanan ng P6.8 milyon halaga ng iligal na droga ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa buy bust operation sa Wao, Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga dinakip na sina Busran Saripada alyas “Commander Manong”, 64; at asawa nitong si Monira Alipapa Ampatua, 46, ng Barangay West Kilikili sa bayan ng Wao
Ayon sa ulat, 2:00 ng hapon nang isigawa ang buy bust operation ng mga operatiba ng PDEG Special Operations Unit (SOU)-9 sa Purok 2, Barangay West Kilikili.
Narekober sa mag-asawa ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P 6.8 milyon.
Ang mga nakumpiska iligal na droga ay dinala sa crime laboratory para isailalim sa pagsusuri, habang ang nag-asawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165.(Mark Obleada)